Hindi mo maalis sa isang grupo ng magkakaibigan ang magkatampuhan. Hindi naman kasi sa lahat ng oras magakakasundo kayo. Hindi sa lahat ng oras pareho kayo ng takbo ng isip. Ganon din sa mga mag be-bestfriends. Hindi maiiwasan yung magkatampuhan kayo. Dito kasi nasusubok kung gaano kayo katibay ng kaibigan mo. Sa tampuhang naganap mare-realize mo kung gaano siya kahalaga sa iyo. Kahit na ano pang ginawa niyang mali mapapatawad mo pwera nalang siguro kung inagaw niya syota mo. Ibang usapan na yun. Pero depende pa rin yun sa pagkakamaling nagawa mo.
Ano nga ba ang cause ng mga tampuhan ng magkakaibigan?
- Hindi kayo nagkasundo sa isang seryosong bagay
- Ginawa mo yung sinabi niyang wag mong gagawin
- Sinumbong mo kalokohan niya sa parents niya
- Nakikipaglandian ka sa boyfriend/girlfriend niya
- Nagbiro ka ng wala sa oras.
Marami pang iba. Para sa akin ang importante naman kahit na magkaroon kayo ng tampuhan dapat marunong kayong tumanggap ng pagkakamali niyo. Marunong kayong umako ng kasalanan. Marunong humingi ng sincere na sorry. Marunong magbigay ng forgiveness.
Ang mahalaga magkaayos kayo. Naniniwala kasi ako na ang girlfriend/boyfriend makikita ko din yan pwede mong palitan. Pero ang tunay na kaibigan mahirap na hanapin yun.
#FRIENDS4EVER #PEACE
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento