Bakit nga ba ganon? Masasabi ba nating unfair yun?
Hindi siguro. Depende pa rin sa tao. Ganon talaga kapag naranasan mo ng mag mahal. Lahat ng sakripisyo ibibigay mo sa taong mahal mo. Lahat ng effort mo ibibigay mo sa kanya. Lahat gagawin mo para lang maging masaya yung taong mahal mo. Normal lang yun sa isang taong nagmamahal. Kaso ang tanong, ganon din ba siya sayo? Mahal ka din ba niya gaya ng pagmamahal mo sa kanya? Dun mag start ang issue. Kung alam mong mahal niyo ang isa’t isa ng pantay, wala kayong problema. Kung hindi naman ibang topic na yan.
Ano nga bang meron pag mas mahal mo yung partner mo kaysa sa mas mahal ka niya? O mas mahal ka niya kaysa sa pagmamahal mo?
Eto yung mga tendencies na pwedeng mangyari:
- Pwedeng mag take advantage yung isang party. Dahil alam niyang mas mahal siya nung partner niya.
- Mas magiging matampuhin yung isang party na mas mahal siya nung partner niya.
- Most of the time yung mas mahal yung partner niya yung laging umiintindi.
- At yung isang party naman ang laging tama kapag may away.
Marami pang iba. Unfair lang dun sa taong mas mahal yung partner niya. Kasi kahit anong gawin mo pag alam mong mas lamang yung binibigay mong pagmamahal sa kanya hindi mo siya matitiis. Kahit na madami pa siyang ginagawang ayaw mo, kaunting lambing lang bibigay ka na.
Kaya dapat laging balanse lang ang pagmamahal niyo sa isa’t isa. Walang mas mahal mo siya oh mas mahal ka niya. Kasi hindi naman dapat sinusukat yung pagmamahal eh.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento