Meron nga bang tamang panahon para maging basehan para masabi mong mahal mo ang isang tao? Hindi ko kasi malaman yung dahilan ng ibang tao at nasasabi nila na mahal na agad nila ang isang tao kahit na kakakilala pa lang nila dito. Wala din naman kasi tayong karapatan na husgahan ang mga taong ito. Dahil wala naman tayo sa lugar nila at hindi naman tayo ang nakakaramdam ng sinasabi nila. Ako din kasi guilty na ako ng LOVE at FIRST SIGHT. Noong una nga eh di ako naniniwala doon pero nung naramdaman ko na yun eh yun na nga. Hindi naman kasi love na agad agad yun, siguro attracted ka muna sa tao tapos biglang made-develop nalang sa love.
Siguro marami na din sa atin ang nakaranas ng ganito, yung mai-in love ka sa taong hindi mo pa ganong kakilala, or the least ma-attract ka sa kanila. Siguro nga may nakita ka agad sa taong yung na feeling mo he or she is “one in a million”. Yung tipong nabago niya yung perception mo about sa lalake o sa babae. Kung sa tingin mo dati na lahat ng babae ay malalandi, pinatunayan niyang hindi lahat ganon. Kung sa tingin mo din naman ay lahat ng lalake manloloko, ganon din napatunayan niya sayo na hindi nga lahat ganon. Ayan! Tinamaan ka na nga ng pana ni kupido.
2 weeks? 2 months? 2 days? Kahit anong oras pa yan hindi mo pa din alam kung kailan ka makakaramdam ng pag hanga sa isang tao. Kahit na alam mo sa sarili mo na hindi mo pa siya ganoong kakilala eh wala ka ng pake kasi in love ka na. Pero eto lang ang tanong ko. PAANO KUNG NALAMAN MO NA YUNG TUNAY NA SIYA? PAANO KAPAG NAKITA MO NA ANG MGA BAD SIDES NIYA? MAGUGUSTUHAN MO PA DIN BA SIYA? Oh? Napaisip ka noh? Siguro pwede mong sabihin sa sarili mo na “Ay ganyan pala siya” tapos unti unti mong nararamdaman na mali pala ang pagkaka-kilala mo sa kanya.
Kaya bago ang lahat, siguraduhin mo muna ang nararamdaman mo. Malay mo attracted or infatuated ka lang sa kanya. Hindi naman kasi masama kung kikilalanin mo muna yung tao. Tska yun naman talaga ang dapat na ginagawa. Wag ka magpadalos-dalos sa nararamdaman mo. Baka masaktan ka lang din, pero hindi pa din kita masisisi sa nararamdaman mo. Been there done that.